Ito ang version o translation ko sa sikat na sikat na ebook
ni Ann Sieg na "7 Great Lies of Network Marketing." Ginawa ko ito
upang matulungang ibangon ang bagsak na bagsak na imahe ng Network Marketing dito
sa Pilipinas, at para na rin tulungan ang mga beterano o kahit mga baguhan pa
lamang sa propesyong ito.
Kung ikaw ay Pinoy Networker, malamang ay nasa isa ka sa
tatlong "stages" sa iyong pagnenegosyo:
Stage 1. Excited na excited sa iyong MLM business -
naguumapaw ang iyong excitement sa bago mong Networking business kaya gigil na
gigil ka i-share ang negosyo mo sa iyong mga KKK: Kapuso, kapamilya, at mga
kapatid, o sa lahat na ng mga KAKILALA mo.
Stage 2. Nagtataka kung bakit medyo bumabagal o humihinto
ang iyong MLM business - hindi mo na malaman kung bakit parang nawala na lamang
ang excitement ng lahat (pati na ikaw) sa inyong MLM business. Naiisip mo na
siguro ay dahil kulang ka na ng pagdalo sa mga MLM trainings o BOM. Eto na rin
ang stage na medyo nauubusan ka na ng mga prospects at kakilala para bahaginan ng
iyong negusyo.
Stage 3. - Unti-unting pagkasawa o kaya naman ay
Pagkasunog/pagkapaso sa iyong MLM business - dito mo na narerealize ang
maraming bagay na mali o kakulangan sa MLM business mo. Na maaaring sobra ka
palang na "HYPE" o nabola ng iyong mga uplines o trainors, o kaya
naman ay hindi ka pinaglalaanan ng sapat na panahon para sanaying maging katulad
nilang MLM Leader, etc...
Nasaang stage ka nga ba ngayon sa iyong MLM business? Talaga
bang dadaanan lng lahat ng Networker ang tatlong stages na ito? Ibig bang
sabihin ay tama ang kadalasang sinasabi
ng mga Negative sa Network marketing (?):
"Sa Umpisa lang iyan!"
Bakit nga ba ganito na lamang palagi ang nangyayari sa MLM
business ng isang karaniwang Pinoy Networker? Tignan natin kung anu ano daw ang
mga dahilan o mga kasinungalingan ayon kay Ann Sieg:
Greatest Lie #1:
"Everyone is your Prospect"
Lahat daw ng tao ay sasali sa MLM Business mo, hindi pa lang
daw nila alam yun. Kaya kailangan daw natin ipaalam sa lahat ng tao ang tungkol
sa "KASAGANAHAN" na ibibigay ng MLM opportunity mo.
Patigilin na daw natin sa trabaho ang lahat ng mga Pilipino.
Dahil nakakaawa ang kalagayan nila na umaasa LAMANG sa sweldo tuwing akinse at
katapusan. Dumating na daw ang MLM Opportunity na hinihintay ng lahat. Sasali
daw lamang sila at pagkatapos ay hahanap din ng dalawa, o tatlo lamang na
sasali ulit ay yayaman na sila!
Dahil dito sa napakalaking kasinungalingang ito kaya lumabas
ang mga maling taktika gaya ng:
"PUSAKALAN" - o "street hustling",
sobrang desperadong taktika ng pag rerecruit. Pati mga tambay, street vendors,
at mga walang muwang na job hunters ay tinatarget gamit ang mga mapandayang
flyers. Trabaho daw kuno, pero neworking seminar pala ang totoo. Ex. “Urgent
Hiring” “Looking for” etc.
"Kidnapping" - eto yung tactic na iimbitahin ka
pumunta kung saan, tapos malalaman mo na lang na BOM pala talaga ang pakay niya
puntahan. Hindi lamang nya masabi ng diretso sayo kasi alam nya na tatanggi
agad lahat ng imbitahin nya, lalong lalo ka na.
"3 Foot Rule" - eto yung practice na pag nasa
labas ka eh pilit mong kakausapin ang lahat ng taong mapalapit ng konti sayo.
Eto ang ginagawa ng mga taong bigla ka na lamang babatiin at kakausapin kahit
di mo naman sila kilala. Bibigyan ka nila ng flyers, calling cards, at minsan
ay mag pepersonal BOM na agad sila. Nangyayari ito kalimitan sa jeep, bus at
kahit sa fast food chains.
"W. BUSH" - Withdraw, Benta, Utang, Sangla, Hiram
Dahil dito sa Greatest Lie #1: "Everyone is your
Prospect" kaya nasira nang tuluyan ang reputasyon ng MLM sa ating bansa.
Wala nang imahe ng professionalism na ibibigay sayo kapag nalaman nila na
networker ka. Ang tingin nila sayo ay manloloko o “scammer”, at gagawin nila
ang lahat para iwasan ka.
Dahil ang totoo:
HINDI LAHAT NG TAO AY SASALI SA MLM
BUSINESS MO.
Bakit?
Unang-una, hindi lahat ng tao ay interesado mag-negosyo.
Kabaligtaran pa nga ng kalimitang itinuturo sa atin, marami ang masaya na sa
kani-kanilang mga trabaho.
Pangalawa, napakarami nang tao ang NAMUMUHI sa Networking,
at may mapait na galit sa mga Networkers.
Mayroon akong narinig na kwento, na isang simpleng magsasaka
ang naengganyong sumali sa MLM, na kahit kalabaw nya ay naibenta nya para
lamang makasali sa nasabing MLM. Dahil sa mga maling "expectations"
at sa nabigong pag-asa sa MLM, nagawa nitong magsasaka na ito na habulin ng
itak ang taong nag-recruit sa kanya.
Pangatlo, Hindi lang ikaw ang may Networking Business.
Napakadaming MLM Company na dito pa lang sa Pilipinas. Tapos may mga US based
MLM Companies pa, etc. So ilan kaya ang total ng mga networkers dito sa
Pilipinas? Definitely makakasalamuha mo sila, at pagnagkataon, pareho kayong
nagpupumilit na i-recruit ang isat-isa.
In conclusion, Hindi lahat ay pwede mong i-Prospect sa
Networking Business mo, Dahil nga hindi lahat ng tao ay pwedeng sumali sa MLM
Opportunity mo. Sabi nga ni Ann Sieg:
"MLM is perfect for EVERYONE, but not everyone is
PERFECT for MLM."
-Merlo Castro
EPrenuership
09276740478
olrem,jmc@gmail.com
Sources: Ann Sieghttp://www.paulobaldemor.com
-Merlo Castro
EPrenuership
09276740478
olrem,jmc@gmail.com
Sources: Ann Sieghttp://www.paulobaldemor.com




No comments:
Post a Comment